why do we love ba?
so we can have somebody to talk to?
someone who can be there pag gusto natin gumala?
a person na pwedeng manlibre satin?
taong magbibitbit ng gamit mo?
ALALAY for short!
eh pano kung di ka nya mahal?
would you still love him/her?
would you still continue to care for that
person?
bakit naman hinde?
you didnt love that person para magkaroon ka ng
alalay, magkaroon ka ng instant meal dahil libre,
taong gagawa ng assignments mo or projects,
or taong mahihila mo if you want to go out…
if thats what you think about love well sorry
ang BABAW mo!
loving a person doesn’t need to have a criteria
na dapat maganda o guwapo,
dapat mabait or understanding,
kasi once you fall inlove you take the risk of
accepting dat person
k ahit maingay sya matulog, yung hilik ng hilik
kahit matakaw sya o sobrang fat na hindi kayo kasya pag puno ang jeep!
kahit sobrang moody nya na kulang nalang ay
sapakin mo sa inis!
yung sobrang selosa/seloso na pati barkada
pinagseselosan..
badtrip diba?
and yung napaka-arte OA kung baga!
o kahit ano pang things
that would turn you off…
hirap tlaga magmahal trying to be PERFECT kase
gusto mong magtagal
pero hindi yun ang sagot sa lahat…
ACCEPTING the real person fully
kase if you said na mahal mo sya you dont need
to find answers
kung bakit mo sya mahal…
kase lahat ng tao nagbabago but if you accept
that person
magbago man sya in the middle of your
relationship
hindi ka masasaktan kase you know that darating
din yun..
tsaka tanggap mo sya ng buo…
mahirap gawin pero masarap subukan dahil
wala ng sasaya pa if you let one person feel na
MAHAL NA MAHAL m o sya without asking 4 anything
return…
then you can say wow un pla ang
LOVE!
Being happy doesn’t mean everything’s perfect.
It means you’ve decided to see beyond the
imperfections…. ü
Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang
napakalaking
oxymoron. Lahat ng
pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at
totoo
pa rin.
Ang labo diba? Pero ang linaw.
Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo
naiintindihan pero
naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason.
Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit
magmahal. Pero okey lang.
Leche, ano ba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only
for
stupid people."
Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero
dumating ang
panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun,
tanga
na siya ngayon.
Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging
oxymoron
din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat
ng bagay
nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao,
humihina. Ang
mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang
pakialam,
nagiging Mother
Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang
malulungkot,
sumasaya.
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya
sa
mga taong ayaw na
talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung
gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang
ang
magic words na
"Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA! Ayan na
siya.
Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng
ibang tao, ang galing< BR>galing mo? Pero ‘pag problema mo na yung
pinag-uusapan parang
nawawala n ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa
namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang
mali
dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring
tama?
Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong
tinamaan
ng madugong pana ng
pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala.
Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko
mamatay. Now na!"
At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng
mga
taong alam naman
nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa
rin
sa bangin ng pag-ibig. Tapos ‘pag luray-luray na
yung puso nila,
siyempre hindi sila yung may kasalanan.
Siya! "Bakit
niya ‘ko
sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sa pader
yon,
at pagbabagsak ng
pinto.
Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga
bagay
na nakakatawa ‘pag
pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming bese s
ko na
kasi siya nakasalubong
kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko.
Pero wala pa rin akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang
katotohanang kapag gusto
magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng
ari-arian mo dahil
siguradong ikaw ang punchline.
Nakakatawa no?
Nakakaiyak.